Una nating nakilala si Marjorie Antaran noong Pebrero ng taong ito. Idinulog niya sa Kapwa Ko Mahal Ko ang kaniyang karamdamang Arteriovenous Malformation. Kaninang umaga ay kinapanayam siya ni Orly Mercado sa All Ready upang lalo pang maunawaan ng mga tagapakinig ang Arteriovenous Malformation. Layunin din ng panayam kay Marjorie na mahanapan ng solusyon ang kaniyang problema upang makapanumbalik siya sa normal na pamumuhay. Si Marjorie ay nagmula sa Tangalan, Aklan. Subalit nagdesisyon siyang makipagsapalaran sa Maynila upang maipagamot ang kaniyang karamdaman. Siya ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa Mandaluyong. Matapos siyang masuri, nalaman ni Marjorie na siya nga ay may Arteriovenous Malformation o ang pagkakaroon ng abnormal na koneksyon sa pagitan ng kaniyang mga ugat (arteries and veins). Sa kasamaang palad, lumabas ang kaniyang sakit malapit sa kaliwang mata. Dahil dito, si Marjorie ay may tinataglay na bukol sa kaliwang mata na halos kasinglaki na ng bunga ng bayabas. Bagama't operasyon ang unang payo ng mga doktor, maaari ding piliin ni Marjorie ang embolization. Ito ay isang pamamaraan kung saan hindi na kakailanganin ng operasyon. Ang ganitong proseso ay umaabot sa halagang higit PhP 120,000. Lubhang mabigat ang halagang ito para kay Marjorie. Walang trabaho ang kaniyang asawa sapagkat may iniinda rin itong karamdaman.
© All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
0 Comments
Leave a Reply. |
Orly MercadoSi Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. ArchivesCategories
All
|