Kung inyong maaalala, lumapit sa Kapwa Ko Mahal Ko ang pamilya ni John Patrick Tulod upang humingi ng tulong. Malubha ang kinakaharap na suliranin ng Pamilya Tulod. Bukod sa imperforate anus o kawalan ng butas sa puwit na humahadlang kay John Patrick dumumi ng normal, mayroon din siyang Cloacal Exstrophy. Ang Cloacal Exstrophy ay isang karamdaman kung saan nakalabas ang pantog at bituka ng pasyente. Higit pa riyan, hindi rin ganap na nabuo ang kaniyang ari. Dahil dito, hindi pa matiyak kung siya ba ay lalaki o babae. Kaninang umaga sa programang All Ready, tinalakay ni Orly Mercado ang kalagayan ni John Patrick Tulod. Ayon sa ina ni John Patrick na si Rosemarie, sumailalim na sa pelvic MRI ang kaniyang anak. Ayon sa resulta, tama ang hinala ng mag-asawa sapagkat napatunayang lalaki ang kanilang anak. Sa kabila ng mabuting balita na ito, ang pelvic MRI din ay tumukoy sa iba pang problema ng Pamilya Tulod. Isa na riyan ang pagkakaroon ni John Patrick ng problema sa bato. Sa kasalukuyan, siya ay hindi makaihi. Nalaman din nilang hindi pa maaaring butasan ng puwit si John Patrick sapagkat hindi aabot ang kaniyang bituka sa gagawing butas doon. Kasabay ng panalangin, ang Pamilya Tulod ay naghihintay ng desisyon ng doktor kung paano mapapabuti ang kundisyon ng kanilang anak.
© All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
0 Comments
Leave a Reply. |
Orly MercadoSi Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. ArchivesCategories
All
|