Kapwa Ko Mahal Ko
  • HOME
  • ABOUT US
  • PATIENT APPEAL
    • 2020
    • 2019 >
      • January 2019
      • February 2019
      • March 2019
      • April 2019
      • May 2019
      • June 2019
      • July 2019
      • August 2019
      • September 2019
      • October 2019
      • November 2019
      • December 2019
  • PASASALAMAT
    • Pasasalamat 2019
  • BATANG K
    • Batang K Videos
  • SAGOT NI DOK
  • USAPANG PANGKALUSUGAN
  • GAMOT PARA SA KAPWA
    • 2019
    • More Videos
  • HELP KAPWA
    • Donate Cash
    • Donate In-Kind
    • Volunteer
    • Sponsor / Partner
    • Patient's Corner
  • CONTACT US

Update: Edgardo Roa

7/16/2013

0 Comments

 
Picture
Patuloy na hinahapan ni Orly Mercado, ALL Ready, at Kapwa Ko Mahal Ko ng solusyon ang karamdamang kinakaharap ni Edgardo Roa. Ating matatandaan na si Edgardo ay mayroong degenerative disk disease. 

Upang makatulong kay Edgardo at sa mga tagasubabybay ng dalawang programang maunawaan ang kalagayang ito, ay sumangguni si Orly Mercado sa isang ispesyalista.
Ayon kay Dr. Leo Olarte, presidente ng Philippine Medical Association, ang ating mga gulugod ay mayroong parang mga shock absorber na kung tawagin ay disks. Ang mga ito ay mahalaga sapagkat ang gulugod ang numero unong support o poste ng ating katawan.

Kapag nasira ang mga disks, ay lumalabas ang mga ito at naiipit ang ating mga ugat. Dahil dito ay humihina ang ating mga lower extremeties gaya ng pige, hip joints, hita at iba pa. Bukod sa sakit na nararanasan ng mga taong may degenerative disk disease ay apektado rin ang kanilang pagdumi at pag-ihi.

Ayon kay Dr. Olarte, ang naging sanhi ng sakit ni Edgardo ay ang pagkakaroon nito ng buko sa gulugod. Ang tanging paraan lamang na maisaayos ito ay sa pamamagitan ng operasyon. Sa kasamaang palad ay mahal ang mga ganitong uri ng operasyon sapagkat aangkatin pa mula sa America at Germany ang mga kasangkapang gagamitin.

Sinabi rin ni Dr. Olarte na maaari ring ikonsidera ni Edgardo ang fusion treatment o ang pagsasanib ng kaniyang mga sirang disks sa gulugod. Ang pangit lamang sa treatment na ito, dagdag ni Dr. Olarte, ay hindi na maibabaluktot ni Edgardo ang kaniyang gulugod.

Para sa mga taong nangangambang mayroon silang degenerative disk disease, payo ni Dr. Olarte na magbawas ng timbang upang mapabagal ang wear and tear ng mga sirang disks.

Muli, ang mobile phone number ni Edgardo Roa ay  0922 399 0610 para sa mga taong gustong direktang makipagugnayan sa kaniya upang magbigay ng tulong.
Sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal kay Edgardo Roa, maaari po kayong magdonate online. I-click lamang ang link sa kanan.
Donate via PayPal
© All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
0 Comments



Leave a Reply.

    Orly Mercado

    Si Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. 

    Sa kasalukuyan, siya rin ay host ng radio program na ALL READY sa Radyo Singko (92.3 FM).

    Archives

    July 2013
    June 2013

    Categories

    All
    All Ready
    Aneurysm
    Arteriovenous Malformation
    Cloacal Exstrophy
    Degenerative Disk Disease
    Edgar Roa
    Eliza Damgasin
    John Patrick Tulod
    Marjorie Antaran
    Pcso
    Radyo5

    RSS Feed

​© All Rights reserved
No part of our material may be reproduced without proper permission from the Kapwa Ko Mahal Ko Foundation.
Sharing our material, to assist the foundation and it's beneficiaries, is permissible and even encouraged. ​​
  • HOME
  • ABOUT US
  • PATIENT APPEAL
    • 2020
    • 2019 >
      • January 2019
      • February 2019
      • March 2019
      • April 2019
      • May 2019
      • June 2019
      • July 2019
      • August 2019
      • September 2019
      • October 2019
      • November 2019
      • December 2019
  • PASASALAMAT
    • Pasasalamat 2019
  • BATANG K
    • Batang K Videos
  • SAGOT NI DOK
  • USAPANG PANGKALUSUGAN
  • GAMOT PARA SA KAPWA
    • 2019
    • More Videos
  • HELP KAPWA
    • Donate Cash
    • Donate In-Kind
    • Volunteer
    • Sponsor / Partner
    • Patient's Corner
  • CONTACT US