Kaninang umaga ay nakapanayam ni Orly Mercado si Eliza Damgasin tungkol sa suliraning pangkalusugang kaniyang kinakaharap. Hindi basta-basta ang sakit na ito at maaaring ikamatay kung hindi agad maaagapan. Si Eliza Damgasin, 43 anyos, ay nakatira sa San Rafael, Montalban, Rizal. SIya ay may tatlong anak at anim na apo. Wala na siyang katuwang sa paggabay sa kaniyang pamilya sapagkat hiwalay na siya sa kaniyang asawa. Ayon kay Eliza, nabagok ang kaniyang ulo ng siya ay mahulog sa kanilang hagdan. Ang aksidenteng ito ang kaniyang pinaghihinalaang dahilan ng pagkakaroon ng aneurysm. Ang sakit na aneurysm ay nangyayari kapag lumobo ang mga arteries at blood vessels. Ito ay kalimitang nangyayari malapit sa utak. Habang patuloy ang paglobo ay lumalaki rin ang tyansang pumutok ang mga nasabing blood vessels at arteries. Kapag nangyari ito ay maaaring magkaroon ng grabeng pagdurugo at pagkamatay. Tatlong beses ng nakapag pa-CT scan si Eliza. Ang mga ito ay sa tulong ng kanilang Mayor, PCSO at Kapwa Ko Mahal Ko. Paulit ulit ang CT scan sapagkat sa kasamaang palad ay hindi maituloy ni Eliza ang operasyong nirekomenda ng mga doktor. Hindi naman maaaring basehan lamang ang mga nakaraang CT scan sapagkat kinakailangang bago ang mga ito upang matiyak ng mga soktor ang nararapat na operasyon. Sinabi ni Eliza na namamaga na ang kaniyang utak at mayroon na rin itong mga basag, ayon na rin sa lteszt na CT Scan. Wala pa rin siyang perang pampagamot hanggang ngayon kung kaya't isinasa-Diyos na lamang niya ang kaniyang kundisyon. Sa mga taong may busilak ang kalooban at gustong magbigay ng diretsong tulong kay Eliza, narito ang kaniyang mobile number: 0921 958 6920.
© All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
1 Comment
|
Orly MercadoSi Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. ArchivesCategories
All
|