Si Edgar Roa ng Montalban, Rizal ang panauhin kahapon at kaninang umaga ni Orly Mercado sa kanyang programang All Ready (Rado5, 92.3 FM). Bukod sa sarili niyang mga suliraning pangkalusugan ay pinoproblema rin ni Edgar ang kalagayan ng kaniyang dalawang anak. Si Edgar Roa ay mayroong Degenerative Disc Disease o ang pagkasira ng gulogod ng isang tao. Bukod sa pananakit ng maraming bahagi ng katawad tulad ng tuhod, likod at bewang, ang sakit na ito ay maaari ring magdulot ng kawalan koordinasyon sa paggalaw at pagkawala ng memorya. Bukod sa karamdamang ito ay pasan din no Edgardo ang suliranin ng kaniyang dalawang anak: sila ay parehong bulag. Ayon kay Edgardo, ganito na sila ipinanganak. Sa kasalukuyan ay nanunuluyan sila sa kaniyang kapatid sapagkat nasira ng bagyo ang kanilang tirahan. Tumutulong naman ang ilan niyang kapitbahay sa pag-aalaga ng kaniyang mga anak. Sa kasamaang palad ay iniwan na si Edgardo ng kaniyang asawa at may bago na itong kinakasama. Ayon kay Edgardo, dati siyang foreman sa construction bago siya magkasakit. Subalit dahil sa Degenerative Disc Disease, hindi na niya kayang magtrabaho. Sa katunayan ay kinakailangan na niyang magsaklay para lamang makalakad. Sinabi ng mga doktor kay Edgardo na malala na ang kaniyang sakit at kailangan na itong maagapan. Ang buong proseso ay aabot ng dalawang operasyon. Kailangan ding manghiram ng aparato dahil hindi basta basta ang gagawing operasyon sa kanya. Sabi rin ng doktor na ang mga plaka at bakal na gagamitin sa operasyon ay kailangang angkatin sa ibang bansa. Sa pagkakataong matuloy ang operasyon ni Edgardo ay kakailanganin naman niya ng apat na bag ng dugo. Nanawagan si Edgardo Roa at nagmamaka-awa sa lahat ng taong may ginintuang puso at nais tumulong sa kaniya. Gusto niyang gumaling hindi lamang para sa kaniyang sarili kung hindi para na rin sa kapakanan ng kaniyang dalawang anak. Ang mobile phone number ni Edgardo Roa ay 0922 399 0610.
© All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
0 Comments
Leave a Reply. |
Orly MercadoSi Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. ArchivesCategories
All
|