Bago pa man mapasok sa gobyerno at pulitika si Orly Mercado, siya ay kilala na bilang isang batikang brodkaster sa radyo at telebisyon. Sa kabila ng pagkakaroon ng katungkulan sa gobyerno (senador, kalihim, ambassador) ay hindi niya ni-minsan tinalikuran ang pagiging mamamahayag. Marami siyang naging programa sa iba't ibang istasyon kabilang na ang ABS CBN, GMA, RPN, at ABC (TV5). Ang kalimitang tema ng kanyang mga programa ay ang pagtalakay sa mga isyung mahalaga at dama ng pangkaraniwang Pilipino. Pagkatapos ng ilang dekada, nagbabalik si Orly Mercado bilang brodkaster sa Radyo5 sa programang All Ready. Ito ay mapakikinggan Lunes hanggang Biyernes, ala-sais hanggang alas-otso ng umaga.
Bagama't patuloy ang pag-ere ng Kapwa Ko Mahal Ko sa GMA 7 tuwing alas-singko y medya ng umaga tuwing Sabado, hindi nakikita ni Orly Mercado na isang hadlang ang pagkakaroon niya ng programa sa Radyo5. "Normal at natural lamang sa mga istasyon ang mag-kumpetisyon patungkol sa ratings. Yan naman talaga ang business nila. Pero pagdating sa paglilingkod sa kapwa Pilipino, hindi tayo dapat nagtatalo dyan. Kapamilya ka man, Kapuso, o Kapatid, dapat ay isang tabi muna ang kumpetisyon at unahin ang sambayanan," paliwanag ni Orly Mercado. "Nangangarap nga ako na dumating ang araw na ang lahat ng networks ay magsasama sama sa pagtulong sa mga Pilipino lalong lalo na sa panahon ng pagsubok tulad ng bagyo," dagdag pa niya. © All Rights reserved No part of any of the materials may be reproduced without proper permission from Kapwa Ko Mahal Ko Foundation However, sharing with the intent to assist the foundation is permissible.
0 Comments
Leave a Reply. |
Orly MercadoSi Orly Mercado ay ang Presidente at Host ng Kapwa Ko Mahal Ko. ArchivesCategories
All
|