Kahapon sa public service segment ng programang All Ready sa Radyo5, nakausap ni Orly Mercado si Marjorie Antaran ukol sa kaniyang sakit na Arteriovenous Malformation.
Kaninang umaga ay ipinagpatuloy ni Orly Mercado ang pagtalakay sa karamdaman ni Marjorie. Ito ay hindi lamang para sa karagdagang kaalaman ng mga tagapakinig kung hidi para na rin sa patuloy na paghanap ng solusyon sa problema ni Marjorie.

Ayon kay Dr. Gary John V. Mercado ng Philippine Academy of Opthalmology, ang Arteriovenous Malformation ay isang kalagayan kung saan ang dugo ng isang tao ay hindi maayos na dumadaan sa mga ugat.
Upang mas lalong maunawaan, inihalintulad niya ito sa isang highway na may U-turn slot. Ayon sa kanya, imbes na dire diretso ang takbo ng traffic, nagkakaroon ng congestion sapagkat may mga sasakyang lumiliko sa nasabing U-turn slot. Ang congestion na ito sa traffic ay maihahalintulad sa bukol na namumuo sanhi ng Arteriovenous Malformation.
Ukol naman sa embolization, ikinalulungkot ni Dr. Mercado na tunay ngang magastos ang prosesong ito. Ayon sa kanya, ito ay nangangailangan ng angiography. Sa madaling sabi, ang angiography ay ang pagsilip sa mga ugat upang mahanap kung saan nagaganap ang problema. Matapos itong mahanap ay lalagyan na ng bara upang hindi na maantala ang daloy ng dugo.
Ang mga instrumentong gamit sa prosesong ito ay kalimitang galing pa sa ibang bansa, isa ring sanhi ng pagiging mahal ng nasabing solusyon sa karamdaman ni Marjorie.

Sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal kay Marjorie Antaran, maaari po kayong magdonate online. I-click lamang ang link sa kanan. | Donate via PayPal |